SA gitna ng pabago-bagong posisyon sa usapin ng Charter Change (ChaCha), nagpasaring si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating punong-ehekutibo.
Paniwala ni Marcos Jr., tila dumaranas ng pagka ulyanin na si former President Rodrigo Duterte, kasabay ng pahayag ng pagkalito sa nais ipahiwatig ng dating Pangulo hinggil sa isinusulong na panukalang ChaCha para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
“Nako-confuse kasi ako kay PRRD kung bakit papalit-palit. So I’ll have to examine it further really kasi very kulang ang naririnig na balita at ang kanyang mga remarks,” wika ni Marcos.
Unang patutsada ni Duterte kay Marcos, ang kasalukuyang Pangulo mismo ang nagtutulak ng ChaCha sa hangarin palawigin ang pananatili sa Palasyo – tulad di umano ng ginawa ng yumaong ama at dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr.
“So, tingnan ko muna kung ano ba talaga ang sinabi para maintindihan ko dahil hindi ko talaga maintindihan kasi parang naiiba. Bawat salita niya iba. So, I will try to make sense of it,” pagtatapos ni Marcos Jr.
