Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI na kailangan pang maghintay ng isang dekada para sa pagdating ng susunod na barko at iba pang gamit para sa seguridad ng bansa, bunsod ng panukalang ikinasa nng US Senate na nagtutulak ng P2.5 billion security aid para sa Pilipinas.
Para kay House Speaker Martin Romualdez, mas magiging mabilis ang modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines sa tiyak umanong mas mapapabilis ang modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng trilateral meeting nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida, and Philippine President Ferdinand Marcos, Jr.
“The trilateral meeting presents a significant opportunity for strategic collaboration among like-minded allies in the Indo-Pacific region,” pahayag ng lider ng 300-plus strong House of Representatives.
“I am optimistic that the discussions between President Biden, Prime Minister Kishida, and President Marcos, Jr. will pave the way for enhanced cooperation in advancing our defense capabilities and ensuring regional security and stability,” dagdag pa niya.
Sa gitna ng halos walang patlang na pambabarako ng barko ng China sa di hamak na maliit na sasakyang dagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea, naniniwala ang lider ng Kamara na palalakasin ng security cooperation ng tatlong bansa ang kakayahan ng Pilipinas tugunan ang agresibong hakbang ng China sa pinag-aagawang maritime region.
Binigyan-pansin din ng Leyte lawmaker ang naging hakbang nina US Senators Bill Hagerty (Republican) at Tim Kaine (Democrat), mga kasapi ng Senate Foreign Relations Committee sa paghahain ng Philippines Enhanced Resilience Act of 2024 (PERA Act), isang bill na naglalayong palakasin at gawing moderno ang US-PH alliance sa pamamagitan ng mas malaking halaga ng security assistance bago ang pagsisimula ng trilateral meeting nina Biden, Marcos at Kishida.
Ayon kay Romualdez, nakasaad sa naturang panukala ang paglalaan ng $500 million Foreign Military Financing (FMF) grant assistance sa Pilipinas kada fiscal year mula 2025 hanggang 2029, o katumbas ng $2.5 billion para sa loob ng limang taon.
