SA tindi ng init ng panahon, tuluyang nasunog ang nasa 19 na sasakyan matapos magliyab ang malawak na parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), isang maliit na grassfire ang mabilis na kumalat sa katabing extension parking area kung saan nakaparada ang iba’t-ibang uri ng sasakyan dakong ala 1:30 ng hapon.
Agad naman naapula ang sunog matapos ang kalahating oras. Bagamat halos maubos ang nakaparadang sasakyan sa parking area, wala naman naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang Manila International Airport Authority (MIAA).
“Statements from the parking lot attendant and airport security directing traffic in the Terminal 3 vicinity as well as those assigned to adjacent parking lots will be taken to shed light on what happened.”
“We are relieved to know that no one was hurt or injured in the incident. I have directed all pertinent MIAA units to give their full support to the BFP for the speedy completion of their investigation,” wika ni MIAA General Manager Eric Ines.
