August 8 2023 Traffic builds up along EDSA Guadalupe as massive roads repairs continue on tuesday, with the DPWH reminding motorists to avoid EDSA from August 4-9 for a one time big time repair activitiy. INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ
PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., napapanahon na gawing prayoridad ng pamahalaan sa mga pangunahing kalsada ang mga pampublikong transportasyon, partikular ang mga pampasadang bus na bumabaybay sa EDSA.
Wika ni Marcos sa kanyang regular vlog, desidido ang gobyerno bigyan ng mas malapad at mas mahabang exclusive exclusive lane ang mga bus sa EDSA bilang bahagi ng programang naglalayong ibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Garantiya ng Pangulo, prayoridad ng administrasyong Marcos ang tinaguriang active modes of transportation tulad ng ligtas na walkway at bike lanes “to promote healthier and more sustainable modes of travel.”
Bukod sa exclusive busway, walkway at bike lanes, target din ni Marcos isaayos ang Pasig River Ferry System, at pagtatayo ng mas maraming tulay sa kahabaan ng Pasig River.
“To address traffic congestion in Metro Manila, we will expand and extend routes for EDSA bus carousel; refurbishing the Pasig River stations; and constructing bridges across the Pasig River,” dagdag ng Pangulo.
Una nang nilagdaan ni Marcos ang Executive Order 56 na naglalayon higpitan ang paggamit ng protocol license plates at ang Administrative Order 18 na nagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na gumamit ng wangwang, blinker at iba pang flashing device.
