Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
NASA kabuuang 2,044 na mga magsasaka, partikular mula sa bayan ng San Miguel, Leyte province ang pinagkalooban ng aabot sa P10 million halaga ng tulong pinansyal, bilang bahagi ng natatanging programang magkatuwang na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng Kamara.
Sa isinagawang aktibidad noong Biyernes sa bayan ng San Miguel, pinangasiwaan ng mga opisyal ng tanggapan nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Tingog Partylist of Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng P5,000 cash aid sa bawat farmer-beneficiaries sa ilalim ng Farmers’ Assistance for Recovery and Modernization (FARM) Program.
“Ang programang ito ay bahagi ng direktiba ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. na abutin ng pamahalaan ang mga sektor na nangangailangan ng suporta lalo na kung marami sa kanila ay mahirap,” pahayag ni Romualdez
“Alam ng inyong pamahalaan ang hirap na inyong hinaharap, lalo na ngayon panahon ng El Niño kung saan apektado ang lahat ng pananim. Kaya nawa’y maibsan ng ayudang ito ang inyong paghihirap at makabangon sa mga susunod na panahon,” dagdag niya.
Nasaksihan nina Mayor Norman Sabdao at SB Leticia Asis Espos ang pamamahagi ng tulong pinansyal, na idinaos sa San Miguel Municipal Gymnasium.
Ang FARM program ay inisyatiba ni ng lider ng Kamara sa layuning ibaba ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka pambawas man lang aniya sa gastusin sa pagtatanim at pagpapalago ang produksyon.
Base sa mga pag-aaral, karaniwang tumataas ang presyo ng bilihin sa merkado kasunod ng pagtaas sa halaga ng bentahan ng bigas sa mga pamilihan.
Paliwanag ng lider ng Kamara, ang FARM Program ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay tulong sa mga magsasaka dahil bahagi rin nito ang pagsuporta sa National Food Authority’s (NFA) sa mandatong tiyakin ang sapat na buffer stock – bagay na posible lang aniya sa kung magagawang himukin ng pamahalaan ang mga magsasakang benepisyaryo ng programa ibenta sa sa NFA ang hanggang sa 100 kilo ng kanilang ani.
“We established this program so the government can reciprocate your heroism in helping millions of Filipino families put food on the table. Para kay Pangulong Marcos Jr., mahalaga po ang bawat Pilipino at kasama kayong lahat doon.””
Sa kabuuan, pumalo sa P10.22 milyon ang tinanggap ng local farmers ng San Miguel mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.
