ASAHAN ang mas masigasig na pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa karagatang sakop ng bansa gamit ang dalawang barkong handog ng Estados Unidos sa Pilipinas. Sa kalatas ng PCG, gagamitin umano ang dalawang 27-meter patrol vessels — na tatawaging BRP Pag-asa at BRP Patag — para palakasin ang search and rescue at pagtugon sa mga insidente sa karagatan. Gayunpaman, nilinaw ng PCG sa sa Oktubre ng kasalukuyan pa ang dating ng mga nabanggit na sasakyang dagat. Kabilang anila sa paggagamitan ng dalawang barko ang maritime safety operations, emergency response at marine environmental protection, lalo na sa mga insidenteng nangangailangan ng higit na maagap na responde sa karagatan Bago pa man ang pormal na pagsasalin ng kustodiya ng BRP Pag-asa at BRP Patag, isinailalim sa operational at maintenance training ang nasa 24 PCG personnel sa Baltimore, Maryland bilang paghahanda sa paggamit at pangangalaga sa dalawang barko. Para sa PCG, malaking bentahe ang mga naturang sasakyang dagat para palakasin ang kakayahan ng Pilipinas protektahan ang nasasakupang karagatan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 88 lokalidad isinailalim na rin sa State of Calamity P1 bilyon kasado para sa AI technology kontra baha