DALAWANG Filipino na volunteer doctors sa international humanitarian aid group Doctors Without Borders ang matagumpay na nakatawid sa Rafah Crossing sa gitna ng giyera ng Israeli forces at Hamas.
Sinabi ni Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na ang mga doktor ay kinilalang sina Dr. Darwin dela Cruz at Dr. Regidor Esguerra.
Kabilang sila sa inisyal na listahan ng mga foreign nationals na pinayagang makalabas ng Gaza Strip sa pammagitan ng Rafah Crossing.
Ipinakita rin ng DFA ang dalawa na tila nasa maayos na kondisyon.
Nanatili ng ilang oras sa border ang dalawang doktor bago pinayagang makalabas.
Dinala sila sa el-Arish sa Egypt may 30 kilometers mula sa Gaza kasama ang iba pang dayuhan.
Mula doon ay dadalhin sila sa Cairo.
Sasagutin ng Doctors Without Borders, ang organisasyon na kinabibilangan ng dalawa, ang transportasyon para makalabas ng Egypt.
Kabilang ang dalawa sa 136 Pinoy na nasa Gaza.