UMAABOT sa mahigit 200 metriko tonelada ng basura ang nahakot na basura sa North at South cemetery sa Maynila sa paggunita ng Undas nitong taon.
Ayon sa Manila Public Information Office, 87 truckloads o 229 metric tons ng basura mula sa main public cemeteries ng siyudad ang nakuha mula Oct. 28 hanggang Nov.1.
Anito, noong nakaraang taon, nakolekta sa dalawang sementeryo ang kabuuang 62 truckloads o 148 metric ng basura sa panahon ng Undas.
Pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources-Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang publiko nitong Lunes na panatilihin ang kalinisan at gumamit ng recycled materials sa paggunita ng Undas.
“We should all be aware of the adverse impact of mismanaged wastes not only on our health but also on the environment and actively participate in the proper management of our wastes,” pahayag ng ahensya.
Dapat din umanong magtalaga ang cemetery operators ng sapat na “strategically-located trash bins” at maglabas ng local ordinances para sa waste management.