
NASA 48 porsiyento ng pamilyang Pinoy ang naniniwalang mahirap sila, ayon sa Social Weather Survey nitong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.
Nasa 27% naman ang nagsabing nasa gitna sila ng mahirap at hindi mahirap habang 25% ang nagsabing “Hindi Mahirap”.
Kumpara noong Hunyo 2023, tumaas ang porsiyento ng nagsabing naghihirap sila sa tatlong puntos mula sa 45% habang ang borderline families ay bumagsak ng anim na puntos mula 33%, at ang hindi mahirap na pamilya ay tumaas ng tatlong puntos mula 22%.
Isinagawa ang ikatlong quarter ng 2023 Social Weather Survey mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 adults (18 taong gulang pataas sa buong bansa: 300 sa Metro Manila, Balance Luzon (o Luzon sa labas ng Metro Manila), Visayas, at Mindanao.
Ang face-to-face ang kadalasang ginagamit ng Social Weather Stations maliban na lamang noong panahon ng pandemya.