HIGIT pa sa halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura, ang buhay ng 30 indibidwal na nasawi bunsod ng bangis ng mga nagdaang bagyong sa mga nakalipas na araw.
Sa datos ng Office of Civil Defense, pumalo na sa 30 indibidwal ang binawian ng buhay — karamihan, namatay sa pagkalunod at pagdaloy ng boltahe ng kuryente.
Nasa 5.2 milyong indibidwal naman mula sa 5,900 barangay sa iba’t ibang panig ng bansa ang naapektuhan ng masamang panahon.
Umabot din sa 55,000 pamilya (katumbas ng 200,000 indibidwal) ang inilikas at pansamantalang nanunuluyan sa mga government evacuation centers.. (EDWIN MORENO)
