
NASA kabuuang 361 barangay ang isinailalim sa “red category” o areas of grave concern para sa 2023 barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE), ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na 1,271 iba pang barangay ang nasa ilalim ng “orange category,” at 1,199 ang nasa “yellow category.”
Ang red category ang pinakamataas na alert level habang ang orange category ay may seryosong banta mula sa armadong grupo at terorista habang ang yellow category ay nakapagtala ng election-related incident sa eleksiyon.
Nasa 42,001 barangay para sa barangay and SK elections ang nasa ilalim ng “green category.”
Sinabi ni Acorda maayos ang preparasyon para sa eleksiyon sa Oktubre 30 sa tulong ng Comelec sa ilalim ni Chair George Garcia.
“Everything is in order, and so far, okay na po tayo (we are already okay),” sabi ni Acorda.
Wala rin umanong banta ng seguridad na makaaapekto sa eleksiyon.
“Sa Mindanao, wala tayong nakikitang adverse effects ng gulo sa isang bansa,” ayon pa kay Acorda.