NANUMPA na sa tungkuling ang bagong apat na director ng Maharlika Investment Corp. (MIC) para tumulong na patnubayan ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Kabilang sa mga nanumpa sa tungkulin sina long-time Asian Development Bank (ADB) officer Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco, at Roman Felipe Reyes.
Si Tan, laking-Maynila, nag-aral ng Bachelor of Science in Business Administration sa University of the Philippines-Diliman ay nagtapos noong 1982. Nagtapos siya ng kanyang Master of Business Administration mula sa kaparehong unibersidad noong 1987.
Mula 1990 hanggang 2000, nagtrabaho si Tan sa iba’t ibang bangko, investment, at financial institutions gaya Citibank, AIG Philam Bank Inc., at Chinatrust (Phils) Commercial Bank Corp.
Nagsilbi siya sa ADB mula September 2002 hanggang January 2021, nagtrabaho sa iba’t ibang kapasidad gaya ng pagiging senior financial analyst, credit review officer, structured financial officer, financial management specialist, senior advisor to the Vice President, regional cooperation and operations coordination division director, at budget and management services division director.
Bago pa ang kanyang appointment sa MIC, nagserbisyo si Tan bilang SteelAsia Manufacturing Inc.’s Deputy President at May Bank Inc.’s Independent Board of Director at Chairperson ng Corporate Governance Committee nito.
Sa kabilang dako, si Andrew Gan naman ay nag-aral ng finance and business economics sa University of Notre Dame sa Indiana, USA, at nagtapos noong 1985. Nag-aral siya ng Masters in Public Policy and Management sa School of Oriental & Asian Studies.
Ang mga dati at kasalukuyang trabaho ni Gan ay imaging Singapore Advisor para sa Picfel & Cle, Banquiers, Globe Land Development Corp. Managing Director, Nuovo Moda Inc. Director, Treasurer, at Director ng Communications, at Fil L’mour Inc. and Beacon Holdings Inc. Managing Director. Nagsisilbi rin siya bilang miyembro ng Board of Directors, Audit Committee, at Compensation Committee ng Capital Markets Integrity Corp. (CMIC).
Si Lichauco ay laking-Maynila rin, nagtapos mula sa De La Salle University sa Maynila noong 1985 at natamo ang kanyang Juris Doctor degree mula Ateneo De Manila University noong 1992.
Kabilang sa mga naging karanasan sa trabaho ni Lichauco ay Director para sa Vehicle Inspection Management Solutions ng Hackeye 2020 Corp., ng Sharp Philippines Corp., at Corporate Secretary para sa Computerized Imaging Institute ng Makati Medical Center Foundation Inc., Medical Doctors Inc., at Soho Central Condominium.
Naging Senior Partner din siya sa Siguion Reyna, Montecillo and Ongsiako Law Offices, at nagsilbi rin siya bilang Pangulo ng Gemarvic Holdings Inc.
Si Reyes, sa kabilang dako ay nagtapos sa San Beda College, nakumpleto ang Bachelor of Science in Commerce noong 1972. Nakakuha siya ng Master of Business Administration-Finance degree sa University of Detroit, Michigan at nagtapos noong 1975.
Si Reyes ay kasalukuyang Director ng Radio Philippines Network Inc. (RPN 9); Pampanga Sugar Development Co. (Pasudeco); All-Asian Countertrade; Philippine Geothermal Production Co.; at, Converge ICT Solutions Inc.
Nagtrabaho rin siya bilang Supervisor ng Ernst & Young New York, Knowledge Institute President, SGV Founding Chairman – Advisory Group on Vocational Training noong 2009, at SGV & Co Chairman- Winning Clients Committee, at Partner and Vice President – Client Services and Accounts.
Mula May 2010 hanggang sa kasalukuyan, Si Reyes ay Chairman at Founding Partner ng Reyes Tacandong & Co.
Samantala, nauna namang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Rafael D. Consing Jr. bilang Pangulo at Chief Executive Officer (CEO) ng MIC noong nakaraang buwan.
Ang Maharlika Investment Corporation ay binuo sa pamamagitan ng Republic Act No. 11954 na layuning pangasiwaan ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Kabilang sa mandato ni Consing bilang President at CEO ng MIC ay magtatag ng iba’t ibang portfolio ng pamumuhunan sa local at global financial markets at iba pang pamumuhunan para sa bansa.