HINDI ganap na matutugunan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pangakong pagpapatayo ng anim na milyong units sa ilalim ng programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) ng pamahalaan.
Sa ginanap na taunang pagtitipon ng Chamber of Real Estates and Builders Association (CREBA), kinalampag ni Secretary ang pribadong sektor para tulungan ang gobyerno na tuparin ang pangakong tapusin ang problema sa pabahay sa bansa.
Partikular na tinukoy ni Acuzar ang pangako ng administrasyong Marcos na magtayo ng 6.5 milyong house units na katumbas ng housing backlogs sa buong bansa.
Pag-amin ng housing czar, hindi kakayanin ng gobyerno na solohin ang mga proyektong pabahay para sa mga pamilyang Pilipino.
“The government cannot do it alone. We need the support of all stakeholders. We need private partners including CREBA and other developers’ groups,” sambit ng Kalihim.
Aniya, mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor para sa epektibong implementasyon ng 4PH na kabilang sa mga flagship housing program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng programang pabahay, prayoridad ang mga pamilyang pasok sa kategorya ng informal settler at mga indibidwal na kumikita ng P18,000 at P17,000 kada buwan.
Dahil na rin sa kapos na suporta ng pribadong sektor at limitadong pondo ng pamahalaan, ibinaba na sa tatlong milyon ang target na bilang ng housing units na target tapusin bago pa man bumaba sa pwesto bilang Pangulo sa Marcos sa 2028.
