SA hangaring tiyakin na walang magaganap na aberya sa mismong araw ng halalan, nakatakda nang sanayin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na magsisilbing backup sa sandaling bilang umatras ang mga gurong miyembro ng election board.
Sa isang kalatas, kumpyansa naman ang Comelec na walang magiging pagtutol ang PNP sa pagtatalaga ng hindi bababa sa 7,000 pulis bilang backup election board member.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, lubhang mahalaga aniyang paghandaan ang anumang mangyayari sa mismong araw ng halalan sa Mayo 12 ng kasalukuyang taon.
Hindi na rin umano dapat maulit ang nangyari noong May 2022 general elections kung saan walang sumipot na election board member sa Cotabato bunsod ng kaguluhan sa pagitan ng mga magkatunggaling politiko.
