TATLO sa apat na Pinoy ang naniniwalang bigo ang pamahalaan tugunan patuloy na pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado, batay sa survey ng OCTA research group.
Sa datos ng OCTA, tatlo sa apat na Pilipino (katumbas ng 75%) ang nagsasabing hindi naging sablay ang pamahalaan pagdating sa pagbibigay solusyon sa inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin – kabilang ang pagkain, gamot, petrolyo at serbisyo sa bansa.
Batay sa December 2023 survey na nilahukan ng 1,200 respondents na nasa hustong gulang, lumalabas na 6% lang ang naniniwalang epektibo ang mga hakbang ng administrasyong Marcos para maibsan ang epekto ng inflation sa bansa.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang buwan, bahagyang bumaba sa 2.8% ang inflation kumpara sa 4.9% na naitala noong Oktubre ng nakalipas na taon.
Subsob din ang satisfaction rating ng pamahalaan sa larangan ng pagtugon kontra kahirapan. Mula sa 29%, naging 14% na lang. Lagapak din ang administrasyong Marcos sa paglikha ng trabaho, food security, pagtugon kontra nakaambang gutom, kampanya laban sa katiwalian, pagpapababa ng buwis, at tulong sa mga maralita.
