Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
Kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang nagtutulak sa pagbabalik ng murang bigas sa merkado, tiniyak ng pamunuan ng Kamara ang mabilis na pag-amyenda sa Rice Tariffication Law.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, napapanahon na ibalik sa National Food Authority (NHA) ang dating mandato – ang pagbebenta sa mga pamilihan ng murang bigas sa mga palengke at maging sa komunidad, bagay na maisasakatuparan lamang sa sandaling pagtibayin ng Kongreso ang amyenda sa Republic Act 11203.
Garantiya ni Romualdez, suportado ng Kamara ang layunin ng Pangulo itaas ang antas ng pamumuhay ng magsasaka – bukod pa sa sapat at abot-kayang supply ng bigas sa sa mga maralitang pamilya.
Para kay Romualdez, ang paglagda ng Pangulo sa panukala bilang urgent bill ay isang patunay na marunong tumupad sa pangakong gagawan ng paraan mapababa ang presyo ng mga pangunahing pagkain ng mga Pilipino.
Hindi rin aniya matatawaran ang tibay ng dibdib ni Marcos laban sa mga mapagsamantalang negosyante.
“The certification of this bill as urgent by President Marcos is a critical step forward in our concerted efforts to improve the livelihood of our local farmers and ensure food security for all Filipinos,” sambit ng lider ng Kamara.
“This amendment will allow us to address the challenges and limitations of the current law, ensuring that it serves the best interest of the agricultural sector and the consumers,” dugtong niya.
Sa panig ni Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. Jay-jay Suarez, tinawag niyang “positive development” ang pagsertipika ng Punong Ehekutibo sa panukalang amyenda sa RTL.
“This is in line with the directives of Speaker Martin Romualdez, our leader here in Congress na i-amend ang RTL sa hangad na siguraduhin mapababa ang presyo ng bigas para sa mamamayang Pilipino,” diin ng ranking House official.
“Ramdam po natin na isa sa mga pangunahing hamon na hinaharap ng ating mga kababayan, ay yung patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin. And amending the Rice Tariffication Law is one sure step that we can have more competitive prices for Filipinos,” dagdag pa niya.
Ani Suarez, dahil sa atas na ito ni Pangulong Marcos, “makakaasa po ang ating mga mamamayan na hindi po matutulog ang Mabababang Kapulungan sa isyung ito at maipapasa po namin ito bago po kami mapunta sa break.”
Kabilang sa mga layuning para baguhin ang ilang probisyon ng RTL ay ang mapalakas ang competitive edge ng Filipino rice farmers sa pamamagitan ng pagkakaloob sa suporta at proteksyon sa hanay ng mga magsasaka.
Gayundin ang pag-stabilize sa presyo ng bigas sa pamamagitan ng rice prices, kontrol sa unregulated rice importation at pagwawakas ng pagmamalabis sa kita ng mga middleman.
“By adjusting the framework for rice importation and enhancing the role of the National Food Authority in the market, we can better protect our rice prices from the volatility caused by international markets and the predatory practices of some traders,” ang paliwanag ni Romualdez.
“This will lead to more stable and predictable pricing for consumers while ensuring farmers receive a fair price for their produce,” pagtatapos ng lider-kongresista.
