Poor Student with student’s uniform so tired of the exam. Lying down on the arm in the classroom. Sleepy student fall asleep during test at noon in the hot season.
SA gitna ng kabi-kabilang suspensyon ng klase bunsod ng peligrong dulot ng El Niño phemenon, target ng Palasyo agad ibalik sa dati ang school calendar para di maapektuhan ang edukasyon ng mga mag-aaral.
Sa isang panayam, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi angkop na madamay ang kalidad ng edukasyon ng mga mag-aaral.
Katunayan aniya, walang inihayag na pagtutol si Vice President Sara Duterte na tumatayong Kalihim ng Department Education (DepEd).
“Well, of course, hiningi ko yan sa DepEd and asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan maghintay pa. At mukha naman kailangan na at I don’t see any objections really from anyone,” paglalahad ng Pangulo.
“Especially, with the El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F (face-to-face) classes are cancelled, F2F classes have been postponed, etcetera. So, talagang kailangan na kailangan na. So, yes. That’s part of the plan that we are trying to do to bring back already the old schedule,” dugtong ni Marcos.
Batay sa datos ng DepEd, marami sa mga paaralan ang pinili na lamang magpatupad ng online classes bilamg proteksyon sa mga mag-aaral laban sa matinding alinsangan sa mga silid-aralan.
Kumbinsido rin aniya siyang mas makakabuti sa mga mag-aaral kung babalik sa normal ang iskedyul ng school calendar na karaniwang nag-uumpisa sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo at nagtatapos naman sa ikatlong linggo ng Marso ng kasunod na taon.
