SINEGUNDAHAN ng isang mambabatas mula sa Kamara ang plano ng Palasyo sampahan ng kasong kriminal ang mga nasa likod ng kumakalat na “fake news” hinggil sa State of National Energy Emergency na idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang pagpapakalat ng maling impormasyon lalo sa kritikal na panahon ay lubhang mapanganib dahil magdudulot ito ng takot o pangamba sa taumbayan at paninira sa pagsusumikap ng pamahalaan.
“This is not mere misinformation. This is a direct attack on public order and national stability,” wika ni Adiong.
“When you spread false claims about energy supply or pricing, you risk inciting panic, distorting markets, and eroding public trust at a time when the country needs clarity and unity the most,” dugtong ng mambabatas mula sa katimugang bahagi ng bansa.
Ani Adiong, nararapat lang na mapanagot sa batas ang mga tao o grupo na ginagamit ang sitwasyong kinakaharap ng bansa para isulong ang sariling interes sa ngalan ng politika.
“There must be consequences. Those who intentionally mislead the public during a national emergency are not exercising free speech; they are endangering the public,” giit pa ng kongresista.
Ginawa ni Adiong ang pahayag matapos na balaan ng Presidential Communications Office (PCO) na kakasuhan ang mga nasa likod ng kumakalat na abiso hinggil sa umano’y napipintong “energy lockdown” bunsod ng Middle East conflict.
Kinatigan din ni Adiong ang panawagan ng Palasyo na umantabay lamang sa verified government advisories at mga mapagkakatiwalaan news source.
“Think before you share. Verify before you amplify. The cost of false information today is too high for the nation to bear,” apela pa ng Lanao del Sur lawmaker.
