TULUYAN nang naubos ang pasensya ni Justice Secretary Frederick Vida sa mga piskal na may hawak ng reklamong sedisyon ma inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, ibinahagi ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na palitan ang mga prosecutors bilang bahagi ng repormang naglalayong tiyakin ang pag-iral ng patas na katarungan sa lipunan.
Nag-ugat ang reklamo laban sa kay Duterte bunsod ng pahayag noong 2024 na kumuha umano siya ng isang hitman na “magtutumba” kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez — kung sakaling siya’y ipapatay.
Para kay Vida, higit na kailangan ng departamento ang mga abogadong may tapang at kakayahan gampanan ang trabaho ng prosekusyon.
Gayunpaman, nilinaw ng DOJ chief na wala pang impormasyon hinggil sa posibleng papalit.
Una nang sinabi ng DOJ na nananatiling “under review” ang reklamo laban kay Duterte.
