MAS PINALAWAK pa ng Department of Public Works and Highways ang paglilinis, dredging, at desilting sa mga pangunahing waterways sa mga flood-prone areas.
Ito’y bilang pagsunod anya sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos na siguruhin ang kahandaan ng mga low-lying areas, bilang paghahanda sa perwisyong idudulot ng tag-ulan.
Paliwanag ni Secretary Vince Dizon, mas pinapalawak pa ang operasyon upang masigurong maayos, malinis, at malawak ang mga daluyan ng tubig ulan, para maibsan ang panganib ng pagbaha sa iba’t-ibang bansa.
Kabilang sa priority areas ng Oplan Kontra Baha ang mga lugar na madalas maapektuhan ng matinding pagbaha, tulad ng Metro Manila, Ilocos, Cagayan Valley, Naga, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro at Maguindanao.
