INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na nakapagtala ng 254 bagong COVID-19 cases nitong Lunes ang bansa na nagdala sa kabuuang COVID-19 infections mula nang magsimula ang pandemya sa 4,127,586.
Sinai ng DOH na ito ang ika-pitong araw na hindi bababa sa 180 ang bagong kaso at ikatlong araw ng mahigit 200 kaso, ayon sa ulat. Ang weekly positivity rate hanggang nitong December 10 ay 10.7%.
Makikita rin sa COVID-19 tracker ng DOH na umakyat ang active cases ng 308 sa 3,876, pinakamataas na tally ng active cases sa 80 reporting days mula sa 3,964 active cases noong Agosto 3 at ika-18 sunod na raw na nakapag-uulat ng mahigit 3,000 active cases.
Tumaas din ang bilang ng mga nakarekober sa 4,056,931, habang nananatili ang death toll sa 66,779.
Ang region na may pinakamaraming bagong COVID-19 cases sa nakalipas na 14 araw ay National Capital Region sa 1,178, sinundan ng Calabarzon sa 454, Western Visayas sa 318, Central Luzon sa 218, at Central Visayas sa 127.
Pumalo ang COVID-19 bed occupancy sa 15.0%, kung saan 2,771 kama ang okupado—kabilang ang 1,836 sa ICU—at 15,760 na bakante.