NAKASANAYAN na ni Vice President Sara Duterte itago sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ang cash on hand, gayundin ang salaping nakadeposito sa bangko. Ayon kay Tingog partylist Rep. Jude Acidre na tumatayong chairman ng House Committee on Higher and Technical Education chairman kaduda-dudang sa 2019 hanggang 2025 SALNs, o sa loob ng pitong, ay walang idineklarang cash at bank deposits ang bise presidente. “We see a pattern of concealment. Pilit na itinatago ng bise presidente ang kanyang yaman. Seven years hong ganito, eh. Seven years hong hindi nagdedeklara ng cash, hindi nagdedeklara ng bank deposit,” wika ni Acidre. Giit ng Tingog partylist lawmaker, busisiing mabuti ang naturang usapin dahil hindi na masasabing simpleng pagkakamali lamang ito sa paghahain ni Duterte ng SALN. Matatandaan na naging argumento ng mga abogado ni Duterte na ang cash, bank deposits at other personal assets ng bise presidente ay isinama sa kategorya na “others” sa isinumiteng SALN. Subalit para kay Acidre, “kung ginawa ito sa isang taon, dalawang taon, nagkamali, kasi pwede mong magkamali sa SALN at pwede ring baguhin ito.” “You can file a correction. Kasi syempre may pagkakataon na nagkamali, may nakaligtaan,” punto pa niya. “Every year ho tayo nagfa-file para ho maipakita ang totoong kalagayan ng iyong pag-aari at kung saan nanggaling ito, at kung ito ba’y pasok doon sa income na inyong natatanggap,” paliwanag din ni Acidre hinggil sa SALN submission. Bukod kay Duterte, kinuwestyon din ni Acidre ang detalye ng bank deposits kaugnay sa nabistong high credit card spending ng mister ng una, na si Atty. Manases Carpio. “Kung meron pong credit card na may ganung balance, ibig sabihin, malamang sa hindi, dapat may deposito ka sa bangko na ganito din kalaki. At bakit walang ganung patunay at walang ganung deklarasyon sa kanilang SALN?” Partikular na tinukoy ng House panel head ang P205,007.29 restaurant bill sa Japan at P256,882.50 na pagbili ng Nike shoes sa Malaysia ni Carpio gamit ang credit card. Kung pagbabatayan aniya ang mga nasabing insidente, hindi maaaring sabihin ng Duterte-Carpio couple na simple lang ang pamumuhay nila at wala silang malaking yaman. “Kung, kung kaya nilang gumastos ng ganyan at kaya nilang kumbaga, i-cover yung ganyang expense kung ganyan ang level ng spending nila, malamang sa hindi, ganyan din kataas ang kalidad o kataas ang antas ng quality ng pamumuhay nila.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Gov’t records, financial declaration pundasyon ng kaso vs. Sara Pork importation ban, tinukuran ng solon