KINATIGAN ni Abra Rep. JB Bernos ang utos ng Department of Agriculture (DA) na ipagbawal ang pang-angkat ng karneng baboy bilang tugon sa hinaing ng local hog raisers.

Sa isang kalatas, partikular na tinukoy ni Bernos ang P28-bilyong pagkalugi ng mga local hog raisers dahil sa pagdagsa ng imported pork sa mga pamilihan.

“Food security efforts should never be at the expense of our local producers. Suportado natin ang pagbabawal sa pag-angkat ng karneng baboy para mabigyan ng pagkakataon ang ating local hog producers na huminga at makabangong muli,” ayon kay Bernos.

Hinimok din ng Abra lawmaker ang DA na patuloy makipag-ugnayan sa mga lokal na magbababoy, bunsod na rin ng apela ng Philippine Pork Council Alliance Inc. (PPCAI), Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork) at ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) na mapalawig ang nasabing import ban.

“As soon as possible we need to determine the appropriate interventions to complement the import ban. We have to be realistic also because we also have to have a stable supply of pork for Filipino consumers,” sabi pa ni Bernos.

“There’s a delicate balance that has to be struck, and this should be one of our top priorities.”

Dapat din aniyang mahigpit na bantayan ng Agriculture department ang galaw sa merkado ng karneng baboy upang matiyak na masasawata ang pagsasamantala sa pag-iral ng pork import ban.

“Sa ngayon pa lang may balita na na may mga nagtataas ng presyo ng karneng baboy. Kailangang magbantay tayo nang maigi para masiguro na walang predatory pricing at walang hoarding na magaganap habang iniimplementa ang ban.”

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *