
SA muling pagbubukas ng 19th Congress, agad na bumida sa Kamara ang panukalang Carter Change (ChaCha) – partikular sa pagpapalit ng anyo ng gobyerno.
Para kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi ang matabang na pagtanggap ng Senado ang pipigil sa kanila na ituloy ang isinusulong na pag-amyenda sa 1987 Constitution.
“Charter Change is not just a political issue, it’s a moral imperative! We owe it to our children and future generations to create a better, more prosperous Philippines,” ayon sa mambabatas na kumakatawan sa Davao del Norte.
Aniya, tanging ChaCha ang daan para palitan ang sistema ng gobyerno mula sa presidential patungo sa federal system of government kung saan aniya makatikim ng kaunlaran ang mga lalawigan sa labas ng Metro Manila.
Paniwala ni Alvarez, nakatuon lang ang mga proyekto ng gobyerno sa Metro Manila sa ilalim ng umiiral na sistema. Yun din aniya ang dahilan sa likod ng usad-pagong na kabuhayan sa labas ng kabisera.
“Mas malayo ka sa Maynila, mas maliit ang GDP share mo, mas mataas rin ang poverty incidence! Bakit? Because the majority of the resources and projects have been concentrated and implemented in Imperial Manila. The inequality in terms of resource sharing has been a menace in the countryside that deprives these regions and provinces from progressing as they should be,” paliwanag ni Alvarez.
Sinisisi rin ng dating lider ng Kamara ang 1987 Constitution na di umano’y sagwil sa pagpasok ng mga dayuhang negosyante.