
SA gitna ng mga patutsada ni Vice President Sara Duterte, tuluyang tinanggal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Col. Raymund Dante Lachica na tumatayong pinuno ng mga sundalong nagbibigay-proteksyon sa pangalawang pangulo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office chief Col. Xerxes Trinidad, ibinalik si Col. Raymund Dante Lachica sa Philippine Army.
Paglilinaw ni Trinidad, walang kinalaman ang reorganization na ikinasa ng Vice Presidential Security Security and Protection Group sa pagsibak kay Lachica.
Aniya, ang reassignment ni Lachica bunsod ng kinakaharap na kaso sa Ombudsman na may kaugnayan umano sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) noong 2022.
Gayunpaman, wala umanong natanggap na anumang abiso ang Office of the Vice President hinggil sa naturang hakbang ng sandatahang lakas. (EDWIN MORENO)