
KUMBINSIDO si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nilabag ng kasalukuyang administrasyon ang Constitutional rights ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte partikular ang pag-aresto at paglalagay sa ilalim ng kustodiya ng International Criminal Court (ICC).
“Binulag ng pulitika ang pamantayan ng pamahalaang ito sa pagkilala sa garantiyang ibinigay sa bawat Pilipino – dating presidente man o hindi— ng konstitusyon. Hindi lang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mismong nagsabi na may paglabag sa karaparatan ng ating kapwa Pilipino sa pagsuko kanya sa ICC,” pahayag ni Dela Rosa.
“Dapat maaala, hindi lamang ni Justice Secretary Boying Remulla at mga gabinete ni Presidente Bongbong Marcos, kundi ng buong sambayanang Pilipino na kaya nakapiring ang simbolo ng hustisya dahil dapat walang kinikilingan pagdating sa pagpapatupad at pagsunod sa batas,” dagdag pa ng reelectionist senator.
Ginawa ng Mindanaoan lawmaker ang pahayag matapos na rin na isaad ng kilalang Constitutional law professor na si Atty. Alexis Medina sa pagharap sa Senate hearing ang pagkakaroon umano ng kamalian na pagtugon ng local law enforcers sa inisyu na warrant of arrest ng ICC laban kay Duterte.
Ayon kay Medina, base sa itinakda ng Saligang Batas, dapat magkaroon ng kaukulang kautusan mula sa korte para sa sinuman na palalabasin sa bansa sa anumang kaparaanan.
“To expel a person from his country of residence without a lawful court order, by excluding the judicial process might amount to a violation of the liberty to abode,” sambit ng naturang Constitutional law professor.
“That is guaranteed by Section 6 of the Bill of Rights. The liberty of abode cannot be impaired without a lawful order of the court. That is the text of the constitution. Now, this constitutional protection is a barrier for any government action that would simply force, compel, an individual, to change his residence,” dagdag pa niya.
Nauna rito, naghain sina Duterte at Dela Rosa ng petisyon sa Supreme Court (SC) para tuluyang ipagbawal sa gobyerno ng Pilipino na makipagtulungan sa ICC.
Si Dela Rosa, bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) ang siyang nanguna sa war on drugs na ipinatupad ng Duterte administration kung saan nasa 1.6 million drug dependents ang kusang-loob na sumuko sa gobyerno.
Pagbibigay-diin ni Dela Rosa, kailangangang ipatupad ang mahigpit na kampanya laban sa ilegal na droga para na ring malutas ang iba pang heinous crimes sa bansa.