
UPANG makapagbigay din ng karagdagang oportunidad sa pagtatrabaho partikular para sa hanay ng mga kababaihan, binigyan-diin ni former Davao City Congressman Karlo Nograles ang pangangailangang paramihin pa ang community day care centers sa lungsod.
Pagbibigay-diin ni Nograles, na dating chairman ng Civil Service Commission (CSC), kasabay sa selebrasyon ng Women’s Month ay dapat paigtingin ang pangangalaga sa kapakanan lalo na ng mga working mother at iba pang kababaihang hindi sakop ng labor force ng bansa.
“We should not neglect our working mothers. It is easier for families to overcome poverty if they can rely on more sources of income instead of having a sole breadwinner. However, unpaid care work, which usually falls under the responsibility of women because of societal norms, hinders families from the opportunities and financial breathing room that come with having more than one source of funds,” pahayag ni Nograles.
Ayon kay Nograles, makatutulong ang Davao City sa paglikha ng maraming hanapbuhay para sa mga pamilya ng lungsod sa pamamagitan ng pagpapatayo ng maraming childcare facilities at iba pang uri ng serbisyo sa mga komunidad.
“If Davao has more government-funded community day care centers, stay-at-home mothers can explore joining the workforce knowing that their children are cared for in a safe and secure environment. Kung may day care center, mas maraming oras ang mailalaan ng mga nanay sa pagtrabaho, pag-negosyo, o pag-aaral at training,” dagdag ni Nograles.
Sinabi naman ni Nograles na bukod sa mas maraming day care centers, nais din niyang makapagkaloob ang city government na training at support programs tungkol sa pagnenegosyo o iba pang maaaring pagkakitaan sa mga kababaihan kapag siya ay pinalad sa kanyang mayoralty bid.
“We also plan to engage industries in Davao so that we can come up with flexible work arrangements for women. With our push towards a ‘digital Davao’ I believe that we can make this viable,” paglalahad ng long-time Davao City public servant.