TALIWAS pangako ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang pisong dagdag-pasahe sa mga pampasadang jeep.
Para sa grupong Piston, mistulang limos ang iginawad na dagdag-pasahe ng pamahalaan sa hanay ng sektor ng lubos na apektado sa sunod-sunod na mega oil price increase na dulot ng tensyon sa Middle East.
Mula sa dating P13, ginawang P14 ang base fare sa mga pampasadang traditional jeep, habang P2 naman ang dagdag sa modern jeepney, epektibo pagsapit ng Marso 19.
“Pisong taas pasahe, daig pa tayo ng mga badjao na sumasabit sa jeep. [Sa] panlilimos walang kunsumo sa krudo pero kumikita,” pahayag ng Manibela sa isang Facebook post.
“Masusi pang [pinag-aralan] ng gobyerno sa lagay na yan, limos ang ibinigay!” dagdag pa ng grupo.
