Ni Estong Reyes
HINIRITAN ni Senador Risa Hontiveros Department of Justice na magpalabas ng immigration lookout bulletin order laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy sa gitna ng bagong alegasyon ng pagsasamantala at sexual abuse laban sa naturang preacher.
Ipinanawagan ni Hontiveros matapos ipakita ang ilang video testimonies ng indibiduwal na sinasabing pinagsamantalahan at inabusong seksuwal ng self-proclaimed “Appointed Son of God.”
“I urge the Department of Justice to issue an immigration lookout bulletin order, which they can do motu proprio, to prevent Quiboloy from leaving the country. He must not escape accountability. Our children’s lives are at stake,” ayon kay Hontiveros.
“Kung si Senior Agila [ng Socorro Bayanihan Services group], naaresto dahil sa tindi ng mga testimonya at ebidensya ng child abuse at human trafficking, naniniwala akong hindi malayong mangyari rin yan kay Quiboloy,” dagdag niya.
Maaaring magpalabas ng immigration lookout bulletin order ang DOJ upang mamonitor ang galaw ninuman. Pero, hindi ito sapat upang pigilan ang pag-alis ng indibiduwal sa Pilipinas. Kailangan ipagbigay alam sa DOJ kapag nagbalak angindibiduwal na aalis ng bansa.
Inilahad ni Hontiveros sa isang press conference ang detalye ng testimonya ng isang alyas Jackson at Arlene, na kapwa binanggit sa kanyang privilege speech nitong Lunes laban kay Quiboloy.
Ipinakita din ni Hontiveros ang ilang screenshot ng sinasabing miyembro ng KOJC members kay Quiboloy na nagbiigay “instructinoo” hinggil sa sinasabing “solicitation.”
Sa naturang usapan, sinabi ni Hontiveros na “hinikayat” ang lahat sa grupo na gumamit ng musical instrument sa pamamalimos at binalaan na mapaparusahan sakaling hindi tutupad.
“Ngayong taon lang po ang screenshot na ito. This is still happening. This is human trafficking,” aniya.
“These are very real fears that they are living with, but I hope that through the filed resolution, and eventual investigation, they will be empowered to tell their truth and seek justice,” ayon pa sa senador.
Binatikos din ni Hontiveros ang political clout ni Quiboloy.
“Maraming nagbubulungan diyan. Malakas daw si Quiboloy sa gobyerno’t mga politiko. Kaya daw nila itong ipagsawalang bahala. Hindi ako naniniwala dyan,” aniya.
“Mas tiwala ako na marami sa gobyerno, lalo na sa Senado, ang gustong mabunyag ang katotohanan at magbigay ng katarungan,” dagdag ng senador.
Nitong Lunes, naghain si Quiboloy ng isang resolusyon na naglalayong paimbestigashan ang sinasabing large-scale human trafficking, rape, sexual abuse and violence, at child abuse ng ginagawa sa likod ng oranisasyong pang-relihiyon .