NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
PARA sa isang miyembro ng Kamara, sadyang nawawala sa tamang pag-iisip ang mga taong labis-labis ang nadaramang galit.
Gayunpaman, hindi dapat maging dahilan ang aniya’y drama ni Vice President Sara Duterte para isantabi ng Kamara ang mga pagdinig kaugnay ng di umano’y paglulustay sa confidential funds na inilaan ng Kongreso sa sa Office of the Vice President, gayundin sa Department of Education (DepEd) sa panahon ng liderato ng pangalawang pangulo.
“Sa ganang amin, the performance of one’s duty should be the primordial consideration. Trabaho po namin yun eh. And therefore dapat walang let up to show what really happened in so far as the confidential funds of the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd) when she was still the Secretary,” pahayag ni Antipolo City Rep. Romeo Acop.
“I think she is being overwhelmed by anger and hate. Pag ang isang tao ay sobra-sobra ang galit, nawawala siya sa sense of decency, sa aking paningin,” ani Acop.
“How you manage yung hate sa iyong katawan at yung nasasaktan ka, it’s also a test of your character,” dugtong ng kongresista.
Nagpatawag si Duterte ng press conference para sagutin ang mga lumutang na impormasyon sa nakaraang pagdinig ng House committee on good government and public accountability hinggil sa maling paggamit nito ng confidential funds.
Partikular ang di umano’y paglustay ng OVP ng P125 million 2022 confidential funds na naubos sa loob lamang ng 11 araw — at ang pagkuha ng mga sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa inilaang P15 million para sa pagdaraos ng mga Youth Leadership Summit (YLS). Gayunpaman, itinanggi ng ilang army officials ang na may dumating na pondo mula sa nasabing kagawaran.
Sa halip sagutin ang mga nabanggit na alegasyon, pinili ni Duterte sa daanin sa patutsada kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at muling inungkat ang mga isyu noong eleksyon 2022.
Sa kontrobersyal na pulong balitaan, sinabi ni Duterte na ngali-ngali niyang pugutan ng ulo si Pangulong Marcos at hukayin ang labi ni late former President Ferdinand Marcos Sr. para itapon sa West Philippine Sea.
Umani naman ng negatibong reaksyon ang bise-presidente sa mga binitawang litanya.
Karagdagang Balita
PAGDALO NI DIGONG, TABLADO NA SA QUAD COMM
PERA-PERANG POGO RAID, TATALUPAN NG KAMARA
BINAWING SUSPENSION ORDER VS. ERC CHIEF, FAKE NEWS?