PARA kay Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega, katotohanan at malakas na ebidensya ang pinakamabisang panlaban sa pagkalat ng fake news na naglalayon linlangin ang publiko sa usapin ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Bagamat walang dudang tukoy ng publiko ang pwersa sa likod ng kumakalat na fake news sa social media, higit na angkop pa rin kung mananatiling maingat at mapanuri ang mga mamamayan. Kumbinsido rin ang mambabatas na epektibo ang pagpupursige ng prosekusyon makipag-ugnayan sa taumbayan para mailahad ang tamang naratibo kaugnay sa impeachment trial, kasama na ang pagtupad sa iba’t-ibang tungkulin ng mga kongresista. “We will just stay the course… makikita naman po ng taong-bayan kung sino talaga ang nagbibigay ng mga fake news,” anang ranking House official. Paalala ni Ortega at ng iba pang kongresista tulad ni House Human Right Committee chairperson Benny Abante na kabilang sa mga nag-endorse ng impeachment complaint, huwag maging biktima ng kasinungalingan sa social media. Samantala, iginiit ni Abante na hindi dapat haluan ng partisan politics ang impeachment process at tignan ang ginagawa ng Kamara bilang pagganap sa mandatong nakapaloob sa konstitusyon. Una nang nagpahayag ng agam-agam ang House prosecution panel sa paghihigpit sa public discussion sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte matapos ang deklarasyon ng Senate impeachment court na mahigpit na pagpapatupad ng sub judice rule. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 178 na lokalidad, isinailalim na sa State of Calamity Gadgets bawal na sa loob ng Senate impeachment court