SUKDULAN kung ilarawan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang peligro ng heat index sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa datos ng PAGASA, pumalo na sa pagitan ng 42 hanggang 47 degrees celsius ang antas ng alinsangan sa Catarman, Northern Samar; Roxas City, Capiz; Cotabato City, Maguindanao; Tacloban City, Leyte; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Paliwanag ng ahensya, delikado na sa mga tao ang heat index sa sandaling umabot sa 42℃ at 51℃. Kabilang anila sa mga senyales ng nakaambang heat stroke ang pananakit ng katawan at paghingal.
Pinakamataas naman ang naitalang heat index noong Marso 25 sa San Jose, Occidental Mindoro.