
SA gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, nanawagan si House Speaker Martin Romualdez ang mga kinauukulan ahensya na bantayan at tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pilipino maaaring maipit sa nasabing sigalot.
Mungkahi ni Romualdez, pairalin ang kahinahunan, kasabay ng hirit na diplomasya para mapahupa ang hidwaan sa pagitan ng Iran at Israel.
“We are watching these developments with grave concern. Under President Ferdinand R. Marcos Jr., our foremost priority is the protection of our overseas Filipino workers who may be caught in the crossfire of this dangerous standoff,” wika ni Romualdez.
Partikular na hinikayat ng pinuno ng 306-kinatawan ng Kamara de Representantes ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na paigtingin ang koordinasyon sa mga pamahalaan ng host countries at international partners, lalo na sa Lebanon, Israel, Jordan at mga bansa sa Gulf Region kung saan nakabase ang milyong overseas Filipino workers (OFW).
“We expect our frontline agencies to remain vigilant and proactive in ensuring the safety and security of our kababayans, including possible repatriation plans should the situation worsen,” dugtong ni Romualdez.
Sa datos ng DMW, limang Pilipino ang nasaktan sa pag-atake ng Iran sa Israel.
Giit ng House Speaker, ang Pilipinas bilang isang mapayapang bansa ay patuloy na naninindigan sa paggamit ng diplomasya upang maresolba ang mga kaguluhan at iwasan ang karahasan.
“We call on all parties involved to take a step back and allow diplomacy to do its work. This is a time for dialogue, not destruction. Any further escalation will only deepen human suffering and destabilize an already fragile region,” aniya pa.
“No Filipino should be left behind in a time of crisis. The House stands in full solidarity with our OFWs and will work closely with our executive agencies to ensure their welfare.”
Garantiya ng Leyte solon, kaisa niya ang buong Kamara sa pandaigdigang panawagan para sa pagtitimpi at umapela sa regional at international leaders na tumulong para mapahupa ang tensyon bago ito lumala.
“This conflict is unfolding in a region that has known too much war and too little peace. The world must not allow another full-blown crisis to erupt,” ayon pa sa mambabatas.
Habang bukas pa ang negosasyon, hinikayat ng lider ng Kamara ang mga Pilipino sa ibang bansa na manatiling kalmado, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at makipag-ugnayan sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.
“The best way to face uncertainty is through unity and vigilance. We will not waver in our commitment to every Filipino’s safety, wherever they may be in the world,” pahabol ni Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)