INIREKOMENDA ni Senador Raffy Tulfo ang pagpapatupad ng one strike policy laban sa mga employers na hindi sumusunod sa mga batas kaugnay sa pagbibigay ng tamang sahod at benepisyo sa kanilang mga manggagawa.
Hinimok ni Tulfo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na parusahan agad ang mga employer na inireklamo ng kanilang mga manggagawa kumpleto sa ebidensya ng pang-aabuso.
Bukod sa pagpapataw ng multa, iginiit ni Tulfo na dapat din bayaran agad ng inirereklamong employer ang nagrereklamong empleyado — “para tapos ang usapan.”
Sa ilalim ng umiiral na sistema, tumatagal ang proseso sa paghahain pa lang ng reklamo bunsod ng komplikadong panuntunan ng DOLE — bagay na aniya’y pabor agad sa abusadong employer.
Nakasaad din sa patakaran na kailangan dumaan sa mediation ang sumbong ng manggagawa na pwedeng umabot hanggang sa tatlong hearing na pabor ulit sa employer.
Target ni Tulfo na kapunin sa kanyang psnukala ang tinawag niyang prosesong anti-poor. (DSG)