KUNG mabagal sa pagsasampa ng kasong plunder laban kay former House Speaker Martin Romualdez, kabaliktaran naman ang ipinamalas na bilis ng Office of the Ombudsman sa pag-iimbestiga sa isang senador na kilalang kritiko ng administrasyong Marcos. Pag-amin ni Senador Panfilo Lacson, inisyuhan na umano ng subpoena ng Office of the Ombudsman ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Philippine Reclamation Authority (PRA) kaugnay ng sinasabing irregularidad sa mga flood control projects sa Taguig City na higit na kilala bilang baluarte ni Cayetano. Partikular aniyang sisilipin ng Ombudsman ang mga illegal reclamation na ikinubli bilang “slope protection project” sa bahagi ng Laguna de Bay. “I believe nagpadala na ng subpoena ang Office of the Ombudsman sa DPWH duces tecum, kinukuha lahat na records sa Taguig. At ang PRA nagpadala na rin ng kanilang drone shots. Walong reclamation sites,” wika ni Lacson sa isang panayam sa radyo. “May subpoena na pinalabas ang Ombudsman sa Land Registration Authority, Registry of Deeds ng Taguig, at sa DPWH, pati sa PRA. Lahat na documents kasi pinadala din namin ang 10 title numbers na nakuha namin so kailangan tingnan kung kanino nakatitulo ito. Yan ang subpoena na alam kong huling naipalabas ng Ombudsman, at least sa fact-finding nila para magkaroon ng basehan sa kanilang preliminary investigation,” dagdag niya. Garantiya ng senador, tutulong ang kanyang tanggapan sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang mga dokumento, update at mga testigo. “Of course, Ombudsman ang ahensya na dapat tumugon. Tagatulong lang kami taga-supply ng documents and testigo na lumapit sa amin, pinadala namin sa kanila.” Taong 2007 nang simulan ang pagtatabon ng lupa sa 85-ektaryang baybaying bahagi ng Laguna de Bay sa Taguig. “Silted na nga ang Laguna Lake, tinambakan mo [Cayetano] pa, ang hindi inabot ng tambak lalong masi-silt malalagyan ng lupa sa ilalim,” pasaring ni Lacson. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Romualdez ibinalato ni Dayunyor kay Remulla