WALANG plano si former President Rodrigo Duterte na sumipot sa alinmang pagdinig ng quad committee ng Kamara na nag-iimbestiga sa kalakalan ng droga, illegal POGO at extrajudicial killings na naganap sa nakalipas na administrasyon.
Ito ang isiniwalat ni Atty. Salvador Penlo na tumatayong tagapagsalita ng dating Pangulo.
Pag-amin ni Panelo, mismong si Duterte ang nagpasya sa isang one-on-one meeting kaugnay ng paanyaya ng Kamara de Representantes para sagutin ang mga alegasyon ng malawakan at sistematikong patayan sa ilalim ng madugong giyera kontra droga.
Katwiran aniya ni Duterte sa hindi pagsipot – pawang tsimis lang naman di umano ang testimonya ng mga resources persons.
Ayon sa abogadong nagsilbing chief presidential counsel, walang ibang paksang tinalakay ang dating Pangulo sa naturang pulong nang usisain hinggil sa patuloy na tensyon sa KOJC Compound sa Buhangin District sa Davao City.
