SA rekomendasyon ni Justice Secretary Crispin Remulla, tuluyang sinibak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.
Sa kalatas ng Palasyo, kinumpirma ni Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez, ba inalis na sa pwesto si Tansingco dahil sa paglobo ng mga dayuhan na nakapasok sa bansa gamit ang working visa na ginamit ng mga Chinese nationals para makapagtrabaho sa mga illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
“His dismissal has already been approved by the president,” wika ni PCO Secretary Chavez.
Una nang kinausap ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang Pangulo para palitan si Tansingco na di umano’y “natutulog sa pansitan” habang patuloy na pamamayagpag ng mga illegal POGO dahil na rin sa kabi-kabilang paglabas ng working visa sa mga dayuhan kahit kaduda-duda ang mga dokumentong ipinrisinta sa nasabing ahensya.
Kabilang din sa alegasyon ni Remulla kay Tansingco ang pagtulong di umano ng BI sa pagtakas ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.
Gayunpaman, iginiit ng BI na hindi dumaan sa immigration inspection ang magkakapatid na Guo na di umano’y sumakay lang sa bangka patawid ng Malaysia.
Bago pa man naganap ang sibakan, una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi lang sisibakin ang mga government officials na kasabwat ni Guo sa pagtakas.

Karagdagang Balita
Pork barrel scam: Enrile abswelto sa Sandigan
Reklamo laban sa mga gov’t officials tapos sa 60 araw?
Kaso vs. DPWH officials swak na sa Ombudsman