TIWALA ang House prosecution panel na sa pagprisinta nila sa Senate impeachment court sa dalawang state auditor ng Commission on Audit (COA) ay napagtibay ng mga naging testimonya ng mga ito ang malinaw na batayan para isyuhan ng Notice of Disallowance (ND) ang Office of the Vice President (OVP) sa paggamit nito ng nasa P500 million confidential funds.

Ayon kay House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, pagsalang kina COA–Intelligence and Confidential Funds Audit Office witnesses Roderick Wamil at Xylene Del Campo, malinaw na naipaliwanag ng dalawa na mayroong malinaw na batayan ang pag-iisyu ng ND.

Kabilang sa naging basehan para hindi payagan ng COA ang paggamit sa OVP confidential funds ay ang paglilista sa ilang aktibidad ng bise presidente na siyang pinaglaan umano ng bahagi ng nasabing pondo.

“Again, nakalagay doon sa listahan, ginamit sa Christmas party iyong confidential funds na ito,” sabi ni Ridon, na batay mismo sa testimonya ni Del Campo ay hindi pinapayagan sa ilalim ng isang joint circular.

Dagdag ng Bicol Saro party-list lawmaker, kabilang sa nilalaman ng ND ay ang kautusang ibalik ng bise presidente ang P73 million na iniulat nitong confidential-fund transactions na labag sa panuntunan sa paggamit ng confidential funds.

“Mlinaw po kung bakit pinapasauli ang P73 million despite the cross-examination of the defense panel,” ani Ridon.

Kinontra naman ni Ridon ang arugmento walang kaugnayan sa alegasyong maling paggasta sa P612.5 million confidential funds ni Duterte sa paggamit ng mga kaduda-dudang pangalan sa acknowledgement receipts (ARs), bilang bahagi ng liquidation report na isinumite ng OVP at Department of Education (DepEd) sa COA.

“We cannot pretend that just because the fictitious names are never mentioned there, hindi na ho iyan kasama,” giit ni Ridon kung saan ang nasabing dokumento na isinumite ng dalawang ahensiya ang silang naging batayan ng COA para sa pag-iisyu ng ND.

Kasama sa ARs na naiprisinta sa impeachment court ay ang nakapangalan sa isang “Mary Grace Piattos” na tumanggap umano ng confidential fund sa anyo ng gamot na halagang P70,000.

Paalala ni Ridon, na unang naglabas ng ulat ang Philippine Statistics Authority (PSA) na nagsasabing ang naturang “Mary Grace Piattos” ay walang birth, marriage, o death record ng ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *