SA halos dalawang linggo ng Senate impeachment trial, nanindigan si Atty. Lorna Kapunan na tumatayong counsel for House prosecutors, na maayos na nailatag ng lupon ng tagausig ang mga testigo at testimonya sa unang bahagi ng paglilitis sa kasong grave threat na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
Katunayan aniya, hindi man lang nagawang salagin ng mga abogado ng pangalawang pangulo ang salaysay ng mga testigo.
“All the evidence of the prosecution is transparent. What is not transparent here is the evidence of the defense because ang sabi nila they will not participate in the house hearings because this is the proper venue,” ayon kay Kapunan.
“But so far, we have not seen any evidence coming from the defense,” dagdag niya.
Ginawa ni Kapunan ang pahayag bilang tugon sa litanya ni Duterte na nagsabing bigo umano ang mga umuusig na mapagtibay ang kinakaharap na reklamo.
“They said you don’t have evidence, but that is — those are words. These two credible witnesses, competent witnesses, are not evidence? And there will be more coming.”
Partikular na tinukoy ni Kapunan ang pagsalang sa prosecution witnesses na sina National Bureau of Investigation (NBI) senior agent John Mark Calilung at NBI Regional Director Jeremy Lotoc, na nagpatibay sa “authenticity” ng video recordings kung saan natunghayan ang mga pagbabanta ng bise presidente sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos-Araneta at former House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Kapunan, sa pamamagitan ng testimonya ni Calilung ay naipaliwanag sa impeachment court ang authentication process para sa electronic evidence, tiniyak na ang naturang video ay hindi AI-generated at tinukoy din ang pinanggalingan nito.
Sa panig ni Lotoc, sinabi ng veteran lady lawyer na naipaliwanag ng una kung ano ang naging batayan ng NBI sa desisyon sampahan ng criminal complaint ang bise presidente.
Sa ngayon aniya, nasa 19 documentary exhibits na ang nailatag ng prosekusyon at marami pa ang tinukoy bilang karagdagang ebidensya sa investigation report.
Diin pa niya, wala nang argumento sa authenticity ng Nov. 23, 2024 video ng online press conference ng bise presidente dahil ginamit din ng mismong ang mga abogado ng pangalawang pangulo ang naturang recording sa cross-examination.
“The statement made by the vice president during that press conference that she did hire someone to kill. If that is not grave threats, then what is it?” tanong ni Kapunan.
Hinggil naman sa kuwestyon ng depensa sa pagsama sa impeachment complaints ng naturang pagbabanta gayung hawak na ito ng Department of Justice (DOJ) at maaaring isalang sa Metropolitan Trial Court o Regional Trial Court, ipinunto ni Kapunan na ang reklamo sa Senate court ay para matukoy kung nararapat ang akusado sa kanyang posisyon.
“Regardless of any pending criminal complaint, the alleged grave threats may still constitute an impeachable offense for the Senate impeachment court to decide,” aniya pa.
“It is the Senate impeachment court’s duty to determine whether Duterte remains fit to continue serving as vice president. We are talking about fitness,” dugtong ng beteranong abogada.
“A public official who makes statements like that, who has shown her emotional instability, who has shown how she can, she can and is capable of carrying out her threats — what is that?”
