KINUMPIRMA ng Korte Suprema na sa Lapu-Lapu Regional Trial Court ng ang dalawang kasong kriminal laban sa kontratistang si Sarah Discaya at sa iba pang mga inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Atty. Camille Sue Mae Ting na tumatayong tagapagsalita ng Korte Suprema, inilipat ang kaso (na unang inilagak sa Davao Occidental) alinsunod sa panuntunan na nagsasabi na ang mga kasong may kaugnayan sa katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno ay dapat ihain sa pinakamalapit na anti-graft court ng judicial region, na pipiliin ng presiding o executive judge.
Ayon naman kay Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, ang korte sa Lapu-Lapu City ang mag-iisyu ng warrant of arrest laban kay Discaya at sa mga opisyal ng DPWH.
Ang nasabing kaso ay para sa graft at malversation na inihain ng Office of the Ombudsman kaugnay ng sinasabing mahigit P96 milyong halaga ng ghost flood control project sa bayan ng Jose Abad Santos. (JULIET PACOT)
