PORMAL nang isinilbi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang warrant of arrest laban sa kontratistang dawit sa P96.5 milyong “ghost” flood control project sa Davao Occidental.
Una nang naglabas ng anunsyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglabas ng warrant of arrest laban sa sampung pangunahing sangkot sa ghost flood control projects na kinabibilangan ni Discaya at mga kawani ng DPWH.
Dinakip si Discaya sa kasong graft at malversation. Walang piyansang nakasaad sa asunto ng kontratista.
Samantala, nagpahayag ng kahandaan sumuko ang walong opisyal ng DPWH. (JULIET PACOT)
