TALIWAS sa pangakong kalakip ng nilagdaang dokumento, hindi na bumalik sa Pilipinas si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan na kabilang sa mga idinawit sa flood control scandal.
Ayon kay Dana Sandoval na tumatayong tagapagsalita ng Bureau of Immigration (BI), Disyembre 17 ang nakasaad sa travel documents na petsa ng kanyang pagbabalik.
Sa kalatas ng BI, sa Bureau of Immigration (BI), walang rekord na nakapasok si Bonoan sa alinmang immigration counter sa bansa.
“Records show that he has not returned to the Philippines to date, despite indicating December 17, 2025 as his return date in his letter, submitted through counsel on Nov. 10, 2025,” wika ni Sandoval.
Umalis si Bonoan sa Pilipinas noong Nobyembre 11 para samahan ang kanyang asawa para sa sumailalim sa operasyon sa Estados Unidos.
Paglilinaw ng Department of Justice, wala pang hold departure order ang dating Kalihim nang lisanin ang bansa.
Nagbitiw si Bonoan bilang kalihim ng DPWH sa gitna ng imbestigasyon sa umano’y “ghost” flood control projects sa Bulacan. (JULIET PACOT)
