LABING-LIMANG taon na pagkakakulong ang inihatod ng Kuwait court sa killer ni overseas Filipino worker Jullebee Ranara, ayon sa Deparment of Foreign Affairs (DFA)
Bukod sa 15 taon, may dagdag pa na isang taon na kulong sa killer ni Ranara dahil wala itong lisensya habang nagmamaneho dahil minor ito nang maganap ang krimen.
Mayroon lamang 30-araw upang iapela ng akusado ang hatol sa Court of First Insance sa Kuwait.
“The family of the OFW has been informed and is grateful for the assistance provided them by the government,” the DFA said.
Nagpasalamat ang DFA sa awtoridad ng Kuwait dahil sa mabilis na resolusyon ng kaso at maagang pagkami ng hustisya sa pagkamatay ni Ranara.
Pinatay si Ranada at iniwan sa disyerto noong Enero 21. Nabatid din sa awtopsiya na buntis ito nang patayin ng 17-anyos na anak ng kanyang amo, umano’y nobyo nito.