MAGHAHANDOG ang MRT-3 ng Libreng Sakay para sa mga kawani ng gobyerno, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.
Magsisimula ang Libeng Sakay sa MRT-3 sa Setyembre 18 hanggang Setyembre 20, sa buong operating hours ng linya.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid government ID upang makatanggap ng Libreng Sakay.
“Kami po sa MRT-3 ay taos-pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service. Ang handog naming Libreng Sakay ay simpleng pasasalamat sa lahat ng mga sakripisyo ng bawat kawani ng gobyerno upang magampanan nang tapat at maayos ang kanilang mga tungkulin,” saad ni DOTr Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino.