KUMBINSIDO ang pamunuan ng Kamara na panallo ang mga magsasakang Pinoy sa desisyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendihin muna ang pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, sinuspinde ng Pangulo ang rice importation sa susunod na 60 araw para bigyang-proteksyon ang mga magsasakang Pinoy na mamayagpag sa merkado.
Bukod aniya sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, malaking bentahe rin umano sa food security program ng pamahalaan ang desisyon ng Pangulo.
“This is more than just a policy shift. This is about standing up for the Filipino farmers—about telling the world that we will not allow those who feed us to be left behind,” pahayag ni Romualdez.
Inilarawan din ng lider ng Kamara ang direktiba ni Marcos bilang “matapang” na tugon sa lumalawak na panawagan ng mga magsasaka at iba ang agriculture stakeholders na pigilan ang pagpasok sa bansa ng cheap imported rice, na lubos na nakakaapekto sa presyo ng local palay products.
“Our farmers have been struggling for too long. Every harvest season, they watch the market collapse under the weight of imported rice. This suspension gives us a chance to breathe, reset, and act decisively,” sambit pa ng House Speaker.
Hinimok din niya ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan na gamitin ang 60-day rice importation suspension period para tugusin at papanagutin sa batas ang mga sangkot sa hoarding, price manipulation, at iba pang ilegal na gawain na nakakaapekto kapwa sa mga magsasaka at mamimili.
Kinatigan din ni Romualdez ang babala ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na patuloy na naapektuhan ang kapasidad ng bansa na magkaroon ng magandang ani ng palay hangga’t hindi naaamyendahan ang Rice Tariffication Law.
“When the very people who grow our food are saying they can no longer survive, we must listen—and we must act,” giit ng Leyte solon.
Muling namang tiniyak ng lider-kongresista na masugid niyang isusulong ang inihain niyang House Bill No. 1, o ang “RICE Act,” na naglalayagong ibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA) upang masusing mabantayan ng gobyerno ang rice importations, at makapagtakda ng tamang presyo ng palay.
“At the end of the day, rice is not just a commodity—it’s the heart of every Filipino meal. When prices soar or when farmers suffer, it’s the Filipino family that feels it the most.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
