SA unang limang araw ng voter registration, pumalo sa halos isang milyong katao ang nagpatala para lumahok sa susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Sa kalatas ng Comelec, 981,872 indibidwal ang nagparehistro mula Agoto 1 hanggang 5 ng kasalukuyang taon.
Pinakamarami ang naitala sa Calabarzon region na may 128,843 bagong botante. Pumangalawa naman ang Central Luzon na nakapagtala ng 108,904 at National Capital Region na may 79,517.
Nasa 7,476 naman ang nagparehistro sa Special Registration Anywhere Program (SRAP) na magtatapos sa Huwebes, Agosto 7.
Paniwala ni Comelec Chairman George Garcia, mas marami pa ang inaasahan magpapatala bago pa man sumapit ang huling araw ng voter registration sa Agosto 10.
