TINIYAK ng tagapagsalita ng House Prosecution panel na paiiralin ang propesyunalismo, disiplina at respeto sa legal na proseso sa pag-usad ng Senate impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Una nang inanunsyo ng senado ang pag-arangkada ng impeachment trial sa Hulyo 6, 2026, alinsunod sa 1987 Constitution.
“The people expect truth—not political theater,” ayon kay House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.
“As House trial spokesperson, our responsibility is not to create noise or spectacle. Our duty is to present the evidence clearly, professionally, and in accordance with the Constitution,” wika ni Adiong.
Paalala naman ang paabot ni Kabataan partylist Rep. Renee Co sa mga kapwa mambabatas. Aniya, kasama sa malaking bilang ng mga mamamayang nakatutok sa kaganapan ng impeachment proceedings ang hanay ng mga kabataang Pilipino.
Giit ni Co na tumatayong co-spokesperson ng House prosecution panel, hindi lang ang political future ng bansa ang nakasalalay sa magiging resulta, gayundin ay mamanahin ito ng bago at susunod pang henerasyon.
“The next generation will inherit the consequences of this trial… ang daming kabataan ngayon ang sawa na sa endless political drama, scripted outrage, at ingay na walang malinaw na pananagutan,” ani Co.
“They want the government to grow up. They want leaders who take institutions, public trust, and accountability seriously. The youth are looking for seriousness, honesty, and transparency from public officials and institutions,” sabi pa ng House assistant minority leader.
Dagdag ng Kabataan partylist solon, higit na mulat ngayon sa isyu ng pulitika ang younger Filipinos at mas may kakayahan matukoy kung ang pagkakaiba ng genuine leadership sa performative politics.
“This generation grew up seeing corruption scandals, disinformation, and political chaos unfold online in real time. Kaya mas mabilis nilang nakikita kung sino ang seryoso sa public service at sino ang nagpa-papogi lang para sa camera,” paninindigan ni Co.
Samantala, wala pang pormal na abiso na natanggap ang House prosecution panel mula sa Senate impeachment court hinggil sa schedule ng pagdinig.
“We have not yet received any formal notice from the Honorable Impeachment Court regarding the schedule of the proceedings of the impeachment trial of Vice President Sara Duterte,” sambit ni Alonto Adiong.
“Nevertheless, the 11-member prosecution panel remains fully prepared and stands ready to proceed on whatever schedule the Honorable Court may determine,” dugtong niya.
Binigyan-diin naman ng Mindanaoan solon na ang impeachment proceedings ay hindi dapat ituring bilang regional o political divisions.
“Bilang kinatawan mula sa Mindanao, nais kong malinaw: ang impeachment trial na ito ay hindi laban sa Mindanao, hindi laban sa Davao, at hindi laban sa anumang rehiyon. Ito ay constitutional process na itinadhana ng ating batas,” paglilinaw ng kongresista.
Patunay dito ang naitalang 257 na miyembro ng Kamara mula members Luzon, Visayas, at Mindanao na bumoto pabor sa pagpapa-impeach sa bise presidente.
“Ang hinihingi lamang ng sambayanan ay simple: hayaang marinig ang ebidensya. The Filipino people deserve a fair, open, and fact-based trial. Hindi ingay ng pulitika ang dapat manaig, kundi katotohanan at due process,” ayon pa kay Alonto Adiong.
“Sa huli, hindi lamang mga personalidad ang huhusgahan ng kasaysayan, kundi kung paano ipinagtanggol ng ating mga institusyon ang katotohanan, pananagutan, at ang Konstitusyon sa panahon na pinakamahalaga ito,” dugtong niya.
