
“HINDI natin kayang balewalain ang pakiusap ng marami pang barangay na naapektuhan ng Marawi Siege,” ayon kay Senador Ronald dela Rosa sa kasabay ng giit na amyenda sa Republic Act 11696.
Para kay dela Rosa, higit na angkop palawakin ang talaan ng mga dapat paglaanan ng pondo sa ilalim ng Marawi Siege Compensation Act of 2022, lalo pa’t marami umanong naiwan sa mga dapat tumanggap ng danyos mula sa gobyerno.
Pag-amin ni dela Rosa. may butas ang RA696 na tumutukoy tinatawag na Main Affected Areas (MAA) o Other Affected Areas (OAA).
“Though RA 11696 is stable, it cannot afford to stand still. Not in the face of a barangay’s pleas to be included in the list of Affected Areas. Not when, according to the victims themselves, the prevailing basis for determining the value of damaged structures is largely unfavorable to them. And most definitely, not when reparation, as the primary aim and vision of the law, remains elusive,” wika ni Dela Rosa.
Panawagan ng senador sa mga kapwa mambabatas, pagtibayin ang Senate Bill 2828 na naglalayong amyendahan RA 11696 para maisama ang Barangay Bubonga sa listahan ng OAA.
Isinumite na ng chairperson ng Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation ang SB 2828 matapos ang isinagawang konsultasyon sa mga komunidad ng Barangay Bubonga.
Sa pagpapatupad ng RA 11696, napansin ni Dela Rosa na maraming claimant at civil organization ang umapela para sa rekonsiderasyon ng kanilang aplikasyon hinggil sa ‘fair market value’ sa pagtukoy sa halaga ng ibibigay sa kanila na monetary compensation.
“These concerns contradict the legislative intent of the compensation and reparation under RA 11696 as a matter of financial assistance as well as a crucial element of justice, addressing the material needs of victims and contributing to their recovery and reintegration into society,” saad sa inihaing panukala ni Dela Rosa.
“To provide a more equitable and just approach in compensating the internally displaced persons of Marawi City, the proposed bill seeks to amend Section 15 of RA 11696 to remove the fair market value as basis for compensation award of lawful claimants,” dagdag pa ng Mindanaoan lawmaker.
Sa naging pagdinig noong nakaraang Martes, sinabi ni Dela Rosa na ikinokonsidera ng Senate special committee ang pagsama sa iba pang mga barangay, bukod sa Bubonga, sa listahan ng mga lugar na bibigyan ng pamahalaan ng kompensasyon matapos na mapinsala dala ng Marawi Siege.
Sa datos ng mambabatas, nasa 64 pang barangay ang dapat isama sa listahan ng OAA dahil sa pinsala sa mga ari-arian.
Bagama’t ang structural properties ng mga pamilyang ito ng nasabing 64 barangay ay hindi tuluyang nasira, iniulat naman sa komite na ang kani-kanilang mga kagamitan ay ninakaw at ang properties din nila ay kung hindi na-vandalized o nagkaroon ng damage.
“Sa akin, wala akong problema. I want everybody [to be] happy. If we can make these 64 barangays happy, then we have to do it,” aniya pa.
“Most of the concern of the 64 barangays are not really on damage to properties, but damage to personal properties… Yung kanilang claim ay personal properties dahil pagputukan, naiwan yung mga gamit nasa bahay at ni-loot.”
Hirit pa ni dela Rosa sa Office of Civil Defense (OCD), magsumite ng ‘post-conflict needs assessment’ para magkaroon ng batayan para sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya mula sa 64 karagdagang barangay.
Sa panig ng OCD, tiniyak ng nasabing tanggapan na ibibigay ang datos na hinihingi ni Dela Rosa at magtatakda na rin ng pamantayan sa ‘post-conflict needs assessment’ dahil ang naging kalagayan ng iba mga residente ay hindi umano naipagbigay-alam sa kanila nang magsagawa ng ocular inspection sa Marawi City.
Nakatakda na rin makipag-ugnayan ang Marawi Compensation Board sa Department of National Defense at OCD para makabuo ng maayos na datos sa pagbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya mula sa 64 pang barangay.
“We can include this in our bill that we are going to pass, pero kaya kinokonsulta namin kayo [kasi] baka sabihin niyo not implementable ang batas na yan because you don’t have the basis,” pagtatapos ng senador.