MATAPOS ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., agad na bumiyahe patungong Malaysia ang punong ehekutibo kasama ang Unang Ginang Liza Araneta Marcos, economic managers at piling negosyante.
Sa paglisan ng Pangulo para sa tatlong-araw na state visit, itinalagang pansamantalang tagapangasiwa ng pamahalaan si Vice President Sara Duterte mula Hulyo 25 hanggang Hulyo 27 ng kasalukuyang taon.
Una nang sinabi ng Presidential Communications Office na ang pagbiyahe ng Pangulo papuntang Malaysia ay bilang tugon sa paanyaya ni Malaysian King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah.
Sa pagbabalik ng Pangulo sa Pilipinas, inaasahan naman na ilalako ng punong ehekutibo sa mga negosyante sa naturang bansa ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.