TUKOY na ng Department of Justice (DOJ) ang mga prominenteng government officials na sangkot sa malawakang agri-smuggling sa bansa.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, hawak na nila ang talaan ng mga kasapakat sa ilegal na pagpupuslit ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.
Gayunpaman, hindi pinangalan ni Remulla ang mga aniya’y bulilyasong opisyales habang patuloy pa ang isinasagawang validation sa mga impormasyong gagamitin basehan sa pagsasampa ng kaukulang kaso,
“Marami tayong pangalan nais tignan mula sa iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagpasok at pagbibigay ng permiso na ipasok ang mga… commodities na pinag-uusapan,” aniya.
Kabilang sa mga opisyales aniyang sangkot ay mula sa Bureau of Customs (BOC), Bureau of Plant Industry (BPI), at ang Department of Agriculture (DA).